January 06, 2026

Home BALITA Metro

Construction worker, patay nang matabunan ng lupa habang naghuhukay sa construction site

Construction worker, patay nang matabunan ng lupa habang naghuhukay sa construction site
(Manila Bulletin file photo)

Patay ang isang construction worker nang maguhuan ng lupa habang naghuhukay sa isang construction site sa Tanay, Rizal noong Miyerkules, Enero 15. 

Kaagad namang naisugod sa Army Station Hospital ang biktimang si Albert Tiongco ngunit idineklara na ring dead on arrival ng mga doktor habang pinalad namang makaligtas ang kaniyang kasamahan na si Leonardo Pajanustan.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-9:50 ng umaga nang maganap ang pagguho ng lupa sa isang construction site sa Sitio Mayagay-1, Barangay Sampaloc, Tanay.

Kapwa umano naghuhukay ng lupa ang mga biktima sa lugar dahil sa itinatayong bakod doon nang bigla na lamang silang maguhuan ng lupa at tuluyang matabunan.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Mabilis namang sumaklolo ang mga kasamahan ng mga biktima at kaagad na naiahon si Pajanustan.

Gayunman, wala nang malay si Tiongco nang kanilang matagpuan kaya’t kaagad itong dinala sa pagamutan ngunit nasawi rin. 

Inirerekomendang balita