November 22, 2024

Home BALITA National

VP Sara, sa 2026 pa magdedesisyon kung tatakbo bilang pangulo sa 2028 elections

VP Sara, sa 2026 pa magdedesisyon kung tatakbo bilang pangulo sa 2028 elections
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na sa taong 2026 pa siya magdedesisyon kung tatakbo siya bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 elections.

Sa isang press conference nitong Lunes, Nobyembre 11, sinabi ni Duterte na wala pa sa plano niya sa ngayon ang halalan sa 2028, kaya’t hindi pa raw niya masasagot kung tatakbo siya bilang pangulo.

“Wala pa 'yan sa mga plano ko,” ani Duterte.

“I was asked kung tatakbo ba ako sa 2028 and then I answered December 2026 will be the best time to decide kung tatakbo sa 2028,” saad pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, sa nasabing press conference ay sinabi ng bise presidente na darating daw ang araw kung saan hindi na siya sasali sa politika, ngunit sa ngayon ay kailangan daw niyang sumagot sa mahigit 32 milyong Pilipino na bumoto sa kaniyang noong 2022 elections.

Ito ay matapos sabihin ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mas mabuti umanong umalis na siya sa politika at mabuhay na lamang nang mapayapa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, pinaaalis na sa politika si VP Sara: ‘Mabuhay ka lang mapayapa!’

MAKI-BALITA: VP Sara sa mensahe ni FPRRD na umalis na siya sa politika: 'Darating din tayo doon'

Binanggit din naman ng bise presidente na ang kalooban daw ng Diyos ang masusunod kung matutupad ang kaniyang mga plano sa buhay, partikular na pagdating sa mundo ng politika.

MAKI-BALITA: VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’