“Magtiwala rin tayo sa Diyos…”
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang kalooban daw ng Diyos ang masusunod kung matutupad ang kaniyang mga plano sa buhay, partikular na pagdating sa mundo ng politika.
Sinabi ito ni Duterte nang tanungin siya sa isang press conference nitong Lunes, Nobyembre 11, hinggil sa mensahe ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na umalis na siya sa politika.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, pinaaalis na sa politika si VP Sara: ‘Mabuhay ka lang mapayapa!’
“Buhay kasi natin, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. We can only plan but it is always God’s purpose that shall prevail. So, plano lang tayo nang plano pero magtiwala rin tayo sa Diyos,” saad ni Duterte.
Ayon din sa bise presidente, darating naman daw ang pagkakataon kung saan titigil siya sa politika, tulad ng sinabi ng kaniyang ama.
MAKI-BALITA: VP Sara sa mensahe ni FPRRD na umalis na siya sa politika: 'Darating din tayo doon'
Nang tanungin naman ang bise presidente kung may plano siyang tumakbo sa 2028 elections, aniya: “December 2026 would be the best time to decide kung tatakbo sa 2028.”