October 31, 2024

Home SPORTS

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?
Photo courtesy: Luis Chavit Singson, PBA/Facebook

Tila hindi lang UAAP Arena ang hahanap ng kanlungan sa Pasig City, dahil nakaamba na rin daw pumuwesto ang PBA Arena?

Kinumpirma ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na napag-usapan na nila ni dating Ilocos Sur governor at ngayo’y senatorial aspirant Chavit Singson ang pagpapasinaya sa kauna-unahang PBA Arena.

Sa panayam sa isang local media noong Miyerkules, Oktubre 30, 2024, inilahad ni Marcial ang naturang plano para sa opisyal na tahanan ng liga.

“Oo, nag usap na kami, madami naman yun. Madami naman yung nakikita (naming possible venue for PBA Arena), pero ngayon lang kami nag-usap ni Gov. Chavit,” ani Marcial.

EJ Obiena, naka-recover na sa back injury

Isa raw sa napipisil na maging lokasyon ng naturang arena ay ang property ni Singson na kilala noon bilang “Payanig sa Pasig.” Ang Payanig sa Pasig ay nasa kahabaan ng Ortigas at Meralco Avenue sa Pasig City.

“Sabi ko, ‘Gov oh ito, Kamusta na yun (Payanig sa Pasig)?’ Okay naman daw may gagawin din daw silang project, sabi ko, ‘Baka gusto mo pag-usapan natin yung magtayo tayo ng gym sa PBA?’ Sabi niya sige daw,” dagdag pa ni Marical.

Sa kasalukuyan, nagpapalipat-lipat ang venue ng PBA mula SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Ynares Stadium sa Antipolo at PhilSports Arena sa Pasig City.

Kate Garcia