November 26, 2024

Home SHOWBIZ

Jodi Sta. Maria, durog ang puso sa bumababang kita ng ABS-CBN

Jodi Sta. Maria, durog ang puso sa bumababang kita ng ABS-CBN
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang “Silent Superstar” na si Jodi Sta. Maria kaugnay sa bumababang kita ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya na walang iba kundi ang ABS-CBN.

Sa X account kasi ni Jodi kamakailan, makikitang ni-retweet niya ang ulat ng isang pahayagan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng nasabing kompanya.

Ayon sa ulat, umaaray umano ang ABS-CBN sa mababang bilang ng kumokonsumo sa kanila bilang isang TV industry na humahantong sa mababang advertisers. Dahil dito, nakagawa sila ng mahirap na desisyon na magtanggal ng halos 300 empleyado.

Kaya naman halos madurog ang puso ni Jodi sa nasabing balita. 

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“Heartbreaking ” aniya sa caption.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing retweet post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yes… truly heartbreaking. Praying for the God of provision to provide for whatever was lost a hundredfold. Praying for strength for the entire network too. "

"Huwag iboto si Marcoleta"

"Kasalanan lahat ng mga Duterte at mga alipin nya noong sya pa president, kaya ikampanya natin na huwag iboto ang mga hudas na yan, at sana maibalik na ang abscbn"

"because of one man's will to get his payback, a franchise was taken away and lots of people lost their jobs... and they still adore him... God bless ABS-CBN and its employees "

"I hope the entire angkan of all abs-cbn’s employees & artists plus us maka abs-cbn by heart will not vote for those politicians who voted for its closure! It’s indeed heartbreaking!"

"Hugs to everyone affected‍"

"ABS-CBN brought color TV to the country, first in Asia. Marcos closed it down only for it to start up again in 1986. It's part of our history."

"Bilang kapamilya, super sakit nito"

"Patience is a virtue,  soon magka prankisa na uli abs-can, so vote wisely...."

Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-no ang 70 kongresista sa pagbibigay ng renewal ng prangkisa.

Bukod pa rito, binanatan din ang nasabing TV network ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong 2016.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng network at ipinaliwanag na may limitasyon umano ang pagtanggap nila ng local ads.