November 22, 2024

Home SPORTS

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon
Photo courtesy: PBA (website)

Naglabas na ng desisyon ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) at NorthPort Batang Pier management ang patungkol sa kontrobersyal na PBA player na si John Amores matapos ang kinasangkutan niyang shooting incident noong Setyembre 25, 2024 sa Lumban, Laguna.

Matatandaang nasangkot ang basketbolista sa isang pamamaril, kasama ang kaniyang kapatid sa Lumban, Laguna matapos ang pagsali niya sa isang lokal na liga kung saan nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang biktima.

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

Sa presscon noong Biyernes, Oktubre 11, 2024, pinangunahan nina PBA Commissioner Willie Marcial at PBA Legal Counsel Atty. Ogie Narvasa ang pagbaba ng kanilang hatol hinggil sa magiging kapalaran ni Amores sa liga. 

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Quarreling with other players in a pick-up game, engaging in a challenge to a fight, chasing after his protagonist with a handgun, and then shooting his gun are not consistent with the standard of behavior and image that the PBA wishes to project to its fans, particularly to its young followers,” saad ni Marcial. 

KAUGNAY NA BALITA: Throwback Thursday: Ang karera ni John Amores at mga isyung kinasangkutan niya sa hardcourt

KAUGNAY NA BALITA: Throwback Thursday: Ang karera ni John Amores at mga isyung kinasangkutan niya sa hardcourt

Matapos igiit ang umano’y lumalalang behavior ng NorthPort cager, inihayag ni Marcial na mananatili umanong suspendido si Amores sa loob ng 15 laro at suspended without pay.

"In coordination with management of NorthPort, the Commissioner has decided that John Amores will be suspended from all his games in the next conference (Commissioner's Cup) of the PBA's 49th season,” saad naman ni Atty. Narvasa. 

Hindi rin umano maaaring manood ng live games si Amores at maispatan sa bench ng NorthPort.

Iginiit din nila na ang “suspension without pay” ay sumasaklaw lamang sa 15 laro na hindi maaaring pasukan ni Amores, ngunit maaari pa rin siyang sumweldo kung siya ay sisipot sa mga practice ng koponan.

“Ang salary that will be deducted from him will be the salary for the games. But meron yang residual where he can receive a salary while practicing and joining team activities,” ani Narvasa.

Kinakailangan ding sumailalim ni Amores sa rehabilitation ng kaniya umanong anger issues bago makabalik sa liga.

Samantala, sa Disyembre 4, 2024 naman ang nakatakda ang umano’y pre-trial ni Amores at kaniyang kapatid matapos silang payagang makapagpiyansa noong Setyembre 27, 2024. 

KAUGNAY NA BALITA: PBA Player John Amores at kapatid, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa

Kate Garcia