June 17, 2025

Home BALITA Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’
MULA SA KALIWA: SP Chiz Escudero at Pastor Apollo Quiboloy (file photo)

Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na karapatan umano ni Pastor Apollo Quiboloy na tumakbo bilang senador ng bansa sa 2025 midterm elections.

Sa isinagawang Kapihan Sa Senado nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Escudero na hindi pa naman umano “convicted” si Quiboloy sa mga kasong iniuugnay sa kaniya kaya’t may karapatan pa raw itong tumakbo.

“Karapatan niya ‘yun dahil hindi pa naman siya convicted by final judgement na nagdi-disqualify sa kaniya na tumakbo o umupo o humawak ng anumang puwesto sa pamahalaan,” ani Escudero.

“Conviction sa mga krimen, by final judgment, sa mga krimen na inakusa sa kaniya, kabilang sa mga accessory penalty non ay absolute perpetual disqualification to hold public office. Subalit, hindi pa naman final nga, wala pa ngang conviction, at hindi pa naman final. So may karapatan pa siyang tumakbo,” saad pa niya.

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Matatandaang noong Martes, Oktubre 8, nang maghain si Quiboloy ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Mark Tolentino.

MAKI-BALITA: Hontiveros sa pagkandidato ni Quiboloy: 'Magkaroon naman kayo ng kaunting hiya'

Naaresto noong Setyembre 8, 2024, nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga

KAUGNAY NA BALITA: Hontiveros, inanunsyo na petsa ng pagdinig ng Senado hinggil kay Quiboloy