November 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne
photo courtesy: GMA Network/YT, Sparkle GMA/TikTok

Nagpahayag ng saloobin si "King of Talk" Boy Abunda tungkol sa "concert issue" na kinahaharap ng aktres na si Julie Anne San Jose.

Matatandaang umani ng ibat’ ibang reaksiyon ang isang video ni Julie Anne habang itinatanghal ang kantang “Dancing Queen” sa harapan ng altar ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine, Mamburao, Occidental Mindoro. 

Pinuna rin ng netizens ang suot na "high slit" gown ng singer-actress.

Ang naturang pagtatanghal ay isa umanong "benefit concert."

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

BASAHIN: Julie Anne San Jose, binatikos dahil sa 'pa-concert' sa loob ng simbahan

Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Oktubre 10, pinuri ni Abunda si Julie Anne sa pagnanais umano nitong tumulong sa isang maliit na simbahan sa kabila ng pagiging tanyag ng pangalan ng aktres sa music industry. 

"Nakakabilib lang no'ng pinanood ko 'yong video, si Julie Anne San Jose kasi for her stature, and she's one of the biggest talents in the music industry today, sa kaniyang stature sabi ko parang nakakabilib naman 'tong si Julie Anne. She still does these fundraisings for churches," saad ni Abunda. "Walang... I don’t know how to say this... Hindi siya namimili ng tutulungan. ‘Yon ang dating sa akin."

Inilahad din ng TV host na sang-ayon umano siya sa naging reaksyon ng publiko. 

"I know it was wrong, Ako rin, I agree with the public reaction na parang inappropriate 'yung venue. Nandoon lahat ‘yon, agree ako doon," ani Abunda.

Binalikan din niya 'yong karanasan niya bilang manager noon. Aniya, may pinuntahan daw silang concer sa Bicol kasama ang kaniyang mga talents.

No'ng dumating daw sila sa venue sa mismong araw ng concert, nakita niya raw na gaganapin ang concert sa loob ng simbahan, kung kaya't nag-demand umano siya na sa labas na lamang sila magpe-perform. 

"Dumating kami doon sa venue on the day of the concert, simbahan po ang venue. And ending po noon hindi kami nag-perform sa simbahan. I demanded doon ho kami sa labas," kwento ni Abunda.

Hindi pa raw niya nakakausap si Julie Anne pero pinaalala niyang may "on-ground realities" na nangyayari lalo na sa isang artista.

"I haven't spoken to Julie, kasi puwede ring dumating ka, nalaman mo na sa loob ng simbahan, do you actually have the time to change your repertoire, to change your clothes? I am not making excuses, I am just saying na may mga on-ground realities po lalo na para sa artista," anang TV host.

Dagdag pa niya, "For everything that had happened, lahat ng leksyon na natutunan, makikita ho natin na lahat ng gumalaw na tao dito sa kuwentong ito ay may magandang intensyon at may magandang puso."

---

Nang pumutok ang issue, naglabas ng ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center patungkol sa kontrobersiyal na performance ni Julie Anne.

BASAHIN: Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Nitong Huwebes, Oktubre 10, humingi mismo ng paumanhin ang singer-actress.

BASAHIN: Julie Anne San Jose, humingi ng tawad sa ‘concert issue’ sa loob ng simbahan

Bagama't humingi na ng paumanhin sina Julie Anne at maging ang Sparkle GMA Artist Center sa mga nangyari, inako naman ng kura paroko ng simbahan na si Fr. Carlito Meim Dimaano ang lahat ng mga nangyari.

BASAHIN: Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na