November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Partido Lakas ng Masa, ninomina sina De Guzman, Espiritu sa pagkasenador sa 2025 elections

Partido Lakas ng Masa, ninomina sina De Guzman, Espiritu sa pagkasenador sa 2025 elections
Leody de Guzman at Luke Espiritu (Facebook)

Ninomina ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ANG mga lider-manggagawang sina Leody de Guzman at Luke Espiritu para sa pagkasenador sa 2025 midterm elections.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Setyembre 27, sinabi ng PLM na mahalagang maluklok sina De Guzman at Espiritu sa Senado dahil kapwa raw nila isinusulong ang kapakanan ng mga manggagawa at mga mamamayan.

“De Guzman and Espiritu are both known as labor organizers and human rights advocates, committed to representing the working class and marginalized communities. Their platform calls for labor rights, climate justice, and economic reforms, while directly challenging the entrenched power of political dynasties, elites, and oligarchs,” anang PLM.

“They advocate for workers' autonomy, a national minimum wage, a wealth tax, and the abolition of regional wage boards,” dagdag nito.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Matatandaang tumakbo si De Guzman bilang pangulo at si Espiritu naman bilang senador noong 2022 national elections, ngunit hindi sila pinalad na manalo.

Gayunpaman, binanggit ng partido na noong nangangampanya si De Guzman bilang pangulo ng bansa noong 2022 ay binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa isang ekonomiya na inuuna ang mga karapatan ng manggagawa, kapaligiran, karapatang pantao, at kalayaan sa  foreign policy. 

Nagtulak naman daw ang naging senatorial platform ni Espiritu noong 2022 para sa mga garantiya sa public employment, sexual orientation, gender identity, and gender expression (SOGIE) rights, at ang pagpapawalang-bisa sa mga batas laban sa mahihirap tulad ng Rice Tariffication Law at TRAIN.

“Reject Dynasties, Elites, and Oligarchs! PLM calls on to reject political dynasties, elites, and oligarchs that continue to exploit the masses. Together, we can reclaim political power for the people, and build one that prioritizes the welfare of the poor and working class,” saad ng PLM.

Sasamahan ng PLM sina De Guzman at Espiritu sa kanilang paghahain ng kanilang certificates of candidacy sa Oktubre 4, 2024.

Matatandaang noong Setyembre 14 nang unang ianunsyo nina De Guzman at Espiritu ang kanilang pagtakbo bilang senador sa midterm elections.

BASAHIN: Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025