November 26, 2024

Home BALITA

Charity golf course muling ilulunsad para sa proyektong ‘Healing Garden’ ng PGH

Charity golf course muling ilulunsad para sa proyektong ‘Healing Garden’ ng PGH

Muling pangungunahan ng Friends of PGH (FPGH) ang ikaapat na edisyon ng charity golf tournament sa Oktubre 25, 2024 na gaganapin sa Canlubang Golf and Country Club, Laguna.

Ang nasabing charity tournament ay naglalayong makakalap ng pondo sa pagsuporta sa “Healing Garden” ng Philippine General Hospital (PGH) sa PGH Cancer Institute. Nakatakda umano itong magsilbing santuwaryo para sa mga cancer patients, pamilya ng mga pasyente at ilang health workers.

Sa panayam sa media kay PGH Executive Director Dr. Dar Legaspi, binigyang diin nito ang kahalagahan ng nananatiling pagtulong ng FPGH sa ospital.

"Private organizations like the FPGH play a crucial role in jumpstarting projects that might otherwise face bureaucratic delays," saad ni Dr. Legaspi.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

"But, of course, the government continues to provide the bulk of patient support, ensuring that treatment remains free."

Halos 40 taon ng nakasuporta sa Cancer Institute ang FPGH mula sa mga programa para sa mga pasilidad nito hanggang sa tulong pinansyal para sa mga pasyente.

Naglabas din ng pahayag si FPGH President Lita Salvador kung saan ibinida niya ang mga nagawa ng kanilang organisasyon para sa PGH Cancer Institute.

“For 40 years, we’ve been providing medical services, diagnostic tests, and treatments for the hospital’s indigent patients. We’ve also helped acquire essential medical equipment.”

Matatandaang taong 1938 nang maitayo ang cancer institute ng PGH kung saan mula 40 pasyente noon ay kaya na nitong mananggapan ng hanggang 400 mga pasyente mula bata hanggang matanda. Karamihan din umano ng mga pasyenteng nasa ilalim ng pangangalaga nito ay mga pasyenteng nakikipaglaban sa leukemia at brain tumor.

Samantala, sa mga nagnanais umanong sumali sa naturang charity tournament, maaaring makipag-ugnayan sa FPGH volunteers.

Maaari ding dumirekta sa mga sumusunod na detalye:

[email protected]

Renee Francisco

[email protected]

Lina Gison

[email protected]

Grace Villanueva

Kate Garcia