November 22, 2024

Home BALITA

Ex-VP Leni sa mga bumibisita sa kaniya: 'Pag Peñafrancia, walang kulay ang politika'

Ex-VP Leni sa mga bumibisita sa kaniya: 'Pag Peñafrancia, walang kulay ang politika'
Photo courtesy: Atty. Leni Robredo/FB

Nagpahayag si dating Vice President Leni Robredo tungkol sa mga bumibisita sa kaniya sa Naga ngayong Pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Sa ambush interview sa mga mamamahayag sa Naga, sinabi ng dating bise presidente na kapag ipinagdiriwang ang Pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia, walang tinitingnan na kulay ang politika.

"Kapag Peñafrancia rito sa amin, wala namang kulay ng politika na tinitingnan, walang partido, politically neutral dito lahat. Lahat ng pumupunta kay Ina ay welcome rito sa amin," saad ni Robredo nitong Sabado, Setyembre 21.

"Mula no'ng naging mayor ang asawa ko [Jesse Robredo] noong 1998, ganito na. Everytime na may bisita ang Naga na si Ina 'yong sadya, very much welcome rito sa aming bahay," dagdag pa niya. 

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Matatandaang bumisita sina Senador Bong Revilla at DILG Secretary Benhur Abalos kay Robredo nito ring Sabado para sa Pista. 

BASAHIN: Sen. Revilla, Sec. Abalos binisita si ex-VP Leni

Ngunit bago ang pagbisita ng dalawang opisyal, nauna nang bumisita si Vice President Sara Duterte kay Robredo nitong Biyernes, Setyembre 20.

BASAHIN: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Paliwanag ng Office of the Vice President (OVP),  inimbitahan si Duterte ng isang kaibigan sa Bicol upang dumalo sa centennial anniversary mass ng Canonical Coronation of Our Lady of Peñafrancia.

Ang naturang kaibigan din daw ng bise presidente ang nag-organisa ng “casual meeting” kasama si Robredo.

BASAHIN: OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga