November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Bong Revilla, senatorial bet ng Lakas-CMD sa 2025

Bong Revilla, senatorial bet ng Lakas-CMD sa 2025
(Photo courtesy: Sen. Bong Revilla/FB)

Inanunsyo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), sa pangunguna ni party president House Speaker Martin Romualdez, na si Senador Bong Revilla ang kanilang kandidato sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.

Idineklara ang pagtakbo ni Revilla sa ginanap na LAKAS-CMD Convention 2024 nitong Biyernes, Setyembre 20, na pinasinayaan ni Romualdez.

Sa naturang convention, nagpasa ang partido ng resolusyong nagno-nominate kay Revilla bilang kanilang unang opisyal na kandidato para sa Senado.

“It is with beaming gratitude that I humbly accept the nomination of our beloved party to be its candidate for senator in the upcoming 2025 midterm elections. I am deeply grateful for the trust and support of our esteemed party president, my dear friend, Speaker Martin Romualdez,” ani Revilla.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

“Mga kasama, hangad ko na patuloy tayong magtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan. Ang tiwala na muling ibinigay ninyo sa akin ay isang responsibilidad na buong puso kong tatanggapin at dadalhin,” dagdag niya.

Nagsisilbing chairperson si Revilla ng LAKAS-CMD.

Samantala, matatandaang unang naging senador si Revilla noong 2004 at muling nahalal noong 2010. Kinailangan naman niyang magpahinga sa 2016 election cycle dahil sa term-limit sa ilalim ng Konstitusyon.

Kaugnay nito, muling tumakbo si Revilla noong 2019 at matatapos ang kaniyang termino sa susunod na taon, kung kailan namang siya muling tatakbo para sa kaniyang reelection.