October 11, 2024

Home BALITA National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'
Sen. Win Gatchalian at Alice Guo (file photo)

Nagbigay ng mensahe si Senador Win Gatchalian kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na inaasahang muling haharap sa Senado bukas ng Martes, Setyembre 17.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 16, inilakip ni Gatchalian ang desisyon ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) na pagbigyan ang kahilingan ni Senador Risa Hontiveros, chairperson ng Senate, Committee On Women, Children, Family Relations And Gender Equality, na padaluhin si Guo sa Senate hearing.

MAKI-BALITA: Alice Guo, muling haharap sa Senado sa Martes

“See you tomorrow, Guo Hua Ping aka Alice Guo,” mensahe ni Gatchalian sa isang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 16.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“Sana magsabi ka na ng totoo para hindi masayang ang oras,” saad pa niya.

Magsisimula raw ang Senate hearing ng komite bukas, dakong 9:00 ng umaga.

Matatandaang noong Setyembre 4 nang maaresto ng mga awtoridad ng Indonesia si Guo at naibalik ng bansa noong Setyembre 6.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Kasalukuyan siyang naka-detain sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Idinadawit si Guo sa ilang mga kaso tulad ng pagkasangkot umano niya sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.

Kaugnay nito, noong Setyembre 13, 2024 nang irekomenda ng Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong qualified human trafficking ang pinatalsik na alkalde.

MAKI-BALITA: Alice Guo, pinakakasuhan na ng DOJ ng 'qualified human trafficking'