November 25, 2024

Home BALITA National

Quiboloy, nagpapa-'hospital arrest' sa Davao dahil may 'isang kaibigan' doon? -- Hontiveros

Quiboloy, nagpapa-'hospital arrest' sa Davao dahil may 'isang kaibigan' doon? -- Hontiveros
Sen. Risa Hontiveros at Pastor Apollo Quiboloy (Photo: Sen. Hontiveros; DILG Sec. Benhur Abalos/FB)

Inusisa ni Senador Risa Hontiveros kung humihiling daw ba si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ng “hospital arrest” sa Davao City dahil mayroon itong “isang kaibigan” na maimpluwensya sa lungsod.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 14, tinawag ni Hontiveros na “napaka-entitled” ang hiling ng pastor at hindi raw dapat ito bigyan ng special treatment.

“Dapat walang special treatment sa kaniya. Napaka-entitled at wala sa lugar ang paghiling niya ng hospital arrest sa Davao. Bakit nga ba sa Davao? Dahil ba may isang kaibigan siyang maimpluwensya doon?” giit ni Hontiveros.

Kilalang malapit si Quiboloy kay sa pamilya Duterte sa Davao, kung saan kamakailan lamang ay itinalaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng mga ari-arian ng KOJC.

National

PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinalaga bilang property administrator ng KOJC ni Quiboloy

Samantala, iginiit din ng senadora sa kaniyang pahayag na walang karapatang mamili si Quiboloy kung saan siya ide-detain.

“Wala din siyang karapatan na mamili kung saan niya gustong ma-detain. Wala na siya sa loob ng 'King Dome', kaya huwag na siyang mag-astang Diyos," saad ni Hontiveros.

MAKI-BALITA: 'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy

Matatandaang noong Setyembre 8, 2024 nang maaresto ng mga awtoridad si Quiboloy matapos ang mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.

Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga