Nanindigan ang "Widow's War" star na si Carla Abellana na isa siyang aspin lover at advocate ng pag-adopt ng mga pet.
Flinex ni Carla ang kaniya pet dog na si Fly at nagnais na maging miyembro ng Aspin Society Elite na pinamumunuan ng "president" nitong si Panda, aspin pet dog ni Kapuso star Heart Evangelista-Escudero.
MAKI-BALITA: Heart Evangelista sa asping si Yoda: 'Sending love'
Kuwento ni Carla, si Fly at ang kaniyang kapatid na si Wing ay na-rescue ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at hindi siya nagdalawang-isip na i-adopt sila. Sa kasamaang-palad ay tumawid na sa rainbow bridge si Wing.
Kaya naman payo ni Carla sa establishments na nagsasabing "pet-friendly" sila, huwag na silang mag-advertise na lahat ng klase ng pets ay tanggap nila, pero ang totoo ay breed-particular lamang.
"Dear establishments, please do not advertise as 'pet friendly' if in fact you are breed-particular. Thank you." aniya.
Matatandaang nag-viral ang rant post ng isang customer na nadismaya sa "Balay Dako," isang pet-friendly restaurant, matapos na pagbawalang papasukin ang kaniyang aspin pet dog na si Yoda.
MAKI-BALITA: Customer, dismayado sa pet-friendly resto; alagang aspin, na-discriminate?
MAKI-BALITA: Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?