Nag-react ang kilalang voice over artist na si Inka Magnaye sa isyu ng "Balay Dako" tungkol sa isang customer na pinigilan ang pet dog nitong aspin na pumasok sa kanilang establishment.
Si Inka, ay kilalang pet lover, na nag-aalaga ng aso, pusa, at snake.
Ang aspin o asong Pinoy na pinigilan daw makapasok sa "pet-friendly restaurant" ay si Yoda, na umani naman ng atensyon at simpatya sa netizens.
MAKI-BALITA: Customer, dismayado sa pet-friendly resto; alagang aspin, na-discriminate?
Agad namang naglabas ng public apology ang pamunuan ng resto subalit hindi pa rin kumbinsido rito ang mga netizen at pet lovers.
MAKI-BALITA: Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?
Saad ni Inka, "Balay Dako can turn away Aspins if they want but they need to change their name to Big House kung ganun."
TINGNAN: Inka Magnaye - Balay Dako can turn away Aspins if they want but... | Facebook
Giit na biro pa ni Inka, dadalhin daw niya ang kaniyang alagang yellow ball python na si Persimmon sa Balay Dako kung talagang binago na nila ang policy nila patungkol sa pagiging pet-friendly ng resto.
"They said they’ll review their policy daw. Basta pag sabi nilang pet friendly, all pets ha. So im bringing my snake," aniya.
MAKI-BALITA: Pet-friendly resto, nagsalita na sa isyu ng diskriminasyon sa aspin ng isang customer