Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, Hulyo 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:23 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 65 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 60 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.