November 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

12 aso, nasawi sa bagyo; Animal shelter, umapela para sa natirang fur babies

12 aso, nasawi sa bagyo; Animal shelter, umapela para sa natirang fur babies
Courtesy: BeeBom Santos

“We want to grieve but we can't para sa mga natirang dogs.”

Ito ang saad ng founder ng isang animal shelter sa Montalban, Rizal matapos mamatay ang 12 sa 52 nilang mga aso dahil sa hagupit ng bagyong Carina kamakailan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa isa sa mga founder ng WoofGang Pack Phils Inc. na si BeeBom Santos, 46, mula sa Quezon City, ibinahagi niyang taong 2019 nang lumipat sila sa Montalban at doon na rin sila muling nagrenta ng private shelter para sa nare-rescue nilang mga aso.

“Sinabihan naman kami prior renting the whole place na hindi na masyadong bumabaha doon and so we ate relieved,” ani Santos.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Samantala, sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Carina nitong Miyerkules, Hulyo 24, doon na raw nangyari ang malaking bangungot hindi lamang para sa kanila kundi sa kanilang fur babies sa shelter.

“Wednesday morning, umuulan na pero manageable pa. Noong pahapon na, tumataas ‘yung tubig but the caretakers were not advised na malalim na pala sa labas, like waist deep na,” kuwento ni Santos sa Balita.

“Not until may kumatok and magre-rescue daw, so inuna muna ‘yung asawa at mga anak ng caretaker namin who is pregnant, and ‘yung mga bata is 5, 4, 3, 1 years old lang. Hinatid sila palabas para i-safety pero after, he failed nang makabalik agad dahil biglang naglagpas tao na ang tubig sa mga dadaanan,” dagdag niya.

Ngunit sa kabila ng taas ng baha, nagpatuloy pa rin daw ang mga caretaker nila sa paglangoy pabalik ng shelter upang i-rescue ang mga aso, ngunit sa kasamaang palad ay lalo pang tumaas ang tubig hanggang sa bubong na lamang ang makikita rito.

“We thought lahat sila nalunod pero after a few hours bumalik ang caretakers namin at narinig nilang may mga kumakahol. So immediately they braved the water and isinalba ‘yung mga buhay,” ani Santos.

“From there we learned that we lost 12 dogs. The remaining 40 who survived the ordeal were all traumatized and we had to rush to transfer them to a safer place. Pero kinabukasan pa namin nagawa ‘yun kasi hindi passable ang mga daan.

“So imagine the ordeal, the dogs have to endure the whole night na walang ilaw at babad sa tubig at putik,” dagdag niya.

Ayon pa kay Santos, sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa 12 nilang asong namatay, pinoproblema rin nila ngayon ang lahat ng mga nawala sa kanilang mga gamit at pagkain na pawang na-wash out ng baha. 

“We want to grieve but we can't para sa mga natira na dogs. Emotionally, mentally and financially, drain na drain po kami as we need to help out din dahil nabaha rin kami sa own house namin,” saad ni Santos.

“Dogs are traumatized and we need antibiotics for them in cases of leptospirosis since tagal nilang nakababad sa tubig. We lost everything and have to start from scratch. Dog food, dog bowls, vitamins, medicines were all washed out. Even our caretakers, they don't have anything except ‘yung clothes na suot nila. Our appliances were all washed out as well. Ref, freezer where we store food for dogs. Beds, cages, lahat po nawala.”

“We are grieving but have to be strong and focused for those who survived,” dagdag niya.

Sa ngayon ay nilipat muna raw nina Santos ang mga naka-survive na aso sa isang temporary shelter sa Tanay, Rizal habang naghahanap pa sila ng bagong lugar na maaaring maging permanent home ng mga ito.

“Though financially challenged, we still make it a point to buy them enough food and medicines. Traumatized sila eh. They want to be always near our caretaker. Ayaw nila ng madilim ngayon. 

Kaya, we will do our best to get them back to shape. Baby steps pero we’ll get there,” saad ni Santos.

Para sa mga nais magbahagi ng tulong sa animal shelter, maaari raw magpadala sa pamamagitan ng GCash sa 09695311001 – sh*** g*ce b**a*a.