Kinuwestiyon ni House Majority Leader Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe ang katapatan ni Vice President Sara Duterte sa bansa matapos daw itong maging tahimik sa mga isyung tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ikatlong State of the Nation Address (SONA).
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 25, na inulat ng Manila Bulletin, binanggit ni Dalipe ang hindi paglalabas ng pahayag ni Duterte sa mga tinalakay ni Marcos tulad ng pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ang paninindigang sa Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS).
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH
MAKI-BALITA: PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'
"While everyone is cheering the President for his decisive actions on the West Philippine Sea (WPS) and POGO, Vice President Duterte's lack of response is indeed troubling," ani Dalipe.
"We should all be on the same boat in supporting the President, especially in relation to the West Philippine Sea issue and the controversies surrounding the POGO operations in the country.”
Kaugnay nito, iginiit ng mambabatas na kakuwestiyon-kuwestiyon umano ang katapatan ng bise presidente sa bansa dahil sa pananahimik nito sa naturang mga isyu.
“President Marcos made brave and bold pronouncements during his SONA that were met with widespread approval and applause from the nation. Yet, the Vice President's utter silence on these crucial issues raises questions about her loyalty to the country," giit ni Dalipe.
"Her silence not only undermines the collective efforts of our government but also casts doubt on her commitment to the nation's best interests," saad pa niya.
Matatandaang ginanap ang SONA ni Marcos noong Lunes, Hulyo 22, kung saan hindi dumalo si Duterte at inihayag din ang hindi niya panonood dito kahit sa pamamagitan ng telebisyon o gadgets.
MAKI-BALITA: Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets