November 24, 2024

Home BALITA National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Sa paglabas ng bagyong Carina sa Philippine area of responsibility (PAR), isang panibagong low pressure area (LPA) ang nabuo sa loob ng PAR nitong Huwebes, Hulyo 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA kaninag 5:00 ng hapon, nabuo ang naturang LPA dakong 2:00 ng hapon nitong Huwebes.

Huli itong namataan 985 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Mindanao.

Sa kasalukuyan ay malayo naman daw ang naturang LPA sa kalupaan kaya’t wala itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Mababa rin ang tsansang maging bagyo ang naturang LPA sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Pagdating naman sa update sa bagyong Carina, na ngayo’y tinatawag nang bagyong Gaemi sa labas ng PAR, inihayag ng PAGASA na patuloy itong humihina at ngayo’y nasa southeastern portion na ng China.

Nanatili namang nakataas sa Signal No. 1 ang Batanes.

Bukod dito ay pinalalakas pa rin umano ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Abra, Apayao, Benguet, Zambales, at Bataan ngayong Huwebes ng gabi.

Nakalabas ng PAR ang bagyong Carina dakong 6:20 ng umaga nitong Huwebes.

MAKI-BALITA: Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA