Nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Gaemi, na dating bagyong Carina, na kasalukuyang nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Hulyo 25.
Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Gaemi sa layong 515 kilometro sa North Northwest ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, mahina na ang tsansang direktang makaapekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa. Gayunpaman, patuloy nitong pinalalakas ang southwest monsoon o amihan na inaasahang magdadala naman ng malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, at Benguet ngayong Huwebes, at katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Western Luzon mula ngayong Huwebes hanggang sa Sabado, Hulyo 27.
Nakalabas ng PAR ang bagyong Carina dakong 6:20 ng umaga nitong Huwebes.
MAKI-BALITA: Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA
Sa labas ng PAR region, patuloy raw na gagalaw ang bagyo pa-west northwest at magla-landfall sa southeastern China ngayong tanghali o gabi.