Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) ngayong Martes ng hapon, Hulyo 23, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Carina at southwest monsoon o habagat.
“In view of the continuous rainfall brought about by the Southwest Monsoon and Typhoon ‘Carina,’ work in government offices and classes at all levels in the National Capital Region are hereby suspended at 02:00 p.m. today, 23 July 2024,” anang Malacañang sa isang memorandum.
Samantala, patuloy naman daw ang serbisyo ng mga ahensyang may kinalaman ang trabaho sa “delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,”
“The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads,” saad ng Malacañang.
Base sa pinakabagong tala ng PAGASA kaninag 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong Carina sa layong 320 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes o 405 kilometro sa Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
MAKI-BALITA: 'Carina,' bahagya pang lumakas; Signal No. 2, itinaas sa malaking bahagi ng Batanes