November 24, 2024

Home BALITA National

Robredo, Pangilinan, Aquino, nag-reunion sa araw ng SONA ni PBBM?

Robredo, Pangilinan, Aquino, nag-reunion sa araw ng SONA ni PBBM?
Photo courtesy: Dating Senador Bam Aquino/X; Pangulong Bongbong Marcos/FB

“Isang reunion pampasigla ng inyong Monday.”

Sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 22, nagbahagi si dating Senador Bam Aquino ng reunion photo nila nina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan.

“Isang reunion pampasigla ng inyong Monday. LET’S GO ,” caption ni Aquino sa kaniyang X post.

Matatandaang magkasamang tumakbo sina Robredo at Pangilanan bilang pangulo at bise presidente ng bansa noong 2022 national elections, ayon sa pagkakabanggit, habang nagsilbi namang campaign manager ng una si Aquino.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Samantala, inihayag kamakailan ni dating Senador Leila de Lima na tatakbo sina Pangilinan at Aquino, kasama si human rights lawyer Chel Diokno, sa pagka-senador sa 2025 midterm elections bilang miyembro ng oposisyon. Ngunit habang sinusulat ito’y si Aquino pa lamang ang opisyal na nag-anunsyo ng kaniyang senatorial bid.

MAKI-BALITA: Bam Aquino, tatakbong senador sa 2025: 'Naghahanda na kami'

Ipinahayag naman kamakailan ni Robredo na ang pagiging alkalde ng Naga City ang tatakbuhan niya sa susunod na eleksyon.

MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025