November 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react
Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte (Facebook)

Nagbigay ng maikling reaksyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala na itong balak maging miyembro ng kaniyang gabinete matapos nitong magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Matatandaang noong Hunyo 19 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd at miyembro ng gabinete ni Marcos.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Kaugnay nito, sa isang panayam nitong Huwebes, Hulyo 18, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ng bise presidente na maayos naman umano ang relasyon nila ng pangulo, ngunit mahabang kuwento at may bahaging “personal” daw ang rason ng kaniyang pagbibitiw sa gabinete.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Hindi na ako magse-serve in another Cabinet post sa Marcos administration,” saad din ni Duterte.

Samantala, sa isa namang panayam nitong Biyernes, Hulyo 19, sinabi ni Marcos na ayos lamang umano sa kaniya ang naturang pahayag ni Duterte hinggil sa hindi nito pagiging miyembro ng gabinete.

“Eh… Okay. That’s her position,” anang pangulo.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang naging running mates noong 2022 national elections sa ilalim ng “UniTeam,” kung saan nanalo sila sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Samantala, muling naging usap-usapan ang pagtatapos umano ng UniTeam dahil sa naturang pagbibitiw ni Duterte sa DepEd, maging sa pahayag niya kamakailan na hindi siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Marcos at itinatalaga raw niya ang sarili bilang “designated survivor.”

MAKI-BALITA: VP Sara sa 'di nakaintindi ng pagiging 'designated survivor' niya: I don’t think you deserve an explanation