November 23, 2024

Home BALITA National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm
Courtesy: PAGASA/FB

Lumakas pa at isa nang ganap na “tropical storm” ang bagyong Carina, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng hapon, Hulyo 20.

Sa public forecast ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, huling namataan ang Tropical Storm Carina sa layong 630 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Dahil nasa karagatan pa rin daw ang bagyo at malayo sa Philippine landmass, wala itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunpaman, patuloy pa rin daw na pinalalakas ng bagyong Carina, at maging ng bagyong Butchoy na kasalukuyan nang nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ang epekto ng southwest monsoon o habagat.

Samantala, posible umanong mas lalakas pa ang bagyong Carina at umabot sa “severe tropical storm” category pagsapit ng Lunes, Hulyo 22, hanggang sa “typhoon” category pagsapit ng Martes, Hulyo 23.

Inaasahan naman itong lalabas ng PAR sa Miyerkules, Hulyo 24.