December 21, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pamilya ng lalaking binundol ng private jeep, nagulungan ng cargo truck umaapela ng hustisya

Pamilya ng lalaking binundol ng private jeep, nagulungan ng cargo truck umaapela ng hustisya
Photo courtesy: Clint Brian Peck (FB)

Malagim ang ikinamatay ng isang lalaking nagngangalang "Darryl Peck" noong Hulyo 10, 2024 sa Buendia, Roxas Boulevard matapos siyang mabundol ng isang private jeepney habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo, at nagulungan pa ng dumaraang 14-wheeler cargo truck nang mga sandaling iyon.

Sa Facebook post ng kapatid niyang si Clint Brian Peck, nanawagan sila ng tulong para sa mga makakapagturo kung saan nagtatago o matatagpuan ang jeepney driver na tumakas at tinakbuhan ang kaniyang kapatid. Hustisya ang sigaw nila ngayon habang durog na durog ang puso nila sa hindi inaasahang pagkamatay ni Darryl.

"On July 10, between 6:00 and 6:30 p.m., he just left from his work in Mitshubishi Pasay. While running along Buendia Roxas Blvd., he was hit by a private jeepney, and his motorcycle lost balance. He fell, and his head was run over by a 14-wheeler Maersk cargo truck, causing his death," kuwento ni Clintbrian.

"The Jeep ran over my brother, which caused his motor cycle to be out of balance. Fortunately, some concerned citizens posted a video, and we contacted them right away, shared several videos, and witnessed the accident happen. We are still looking for the Jeepney driver who ran away from his responsibility to our brother. There is a video shared by the motor driver who witnessed the Jeep being captured."

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

"Please help us spread this post until the Jeep driver is caught and held accountable for what he did to our brother. You can see in the video that our brother was moving in one lane only, and the driver of the jeep kept on changing its lane, going the other way, and was going very fast until he hit our brother. Another big question is why there are 14-wheeler trucks travelling during Truck Banned along Roxas Blvd at 6 p.m. The time they can go out is 10:00 p.m. at night, if I am not mistaken."

"Nobody deserves to die tragically like this. not our brother or anyone else. The concerned citizen sent that video, and we were able to identify some of the identities of the Jeepney. In the video, there is the name Marvin on the front in yellow letters, and the side of the hood has the word GLADIATOR. There is also a photo of a racing car in silver on its side and a word private at its back in red colour font. Only the end of the number plate was caught in video M676. Again, we are asking for everyone's help to spread my post until the responsible driver of the Jeep who caused the death of our brother is caught and surrenders."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Clint Brian, sinabi niyang masakit sa pamilya nila ang nangyari kay Darryl dahil walang sinumang kapamilya ang nanaising mamatayan ng mahal sa buhay sa aksidente; pero ang mas masakit, walang mapanagot para makamit na nila ang inaasam na hustisya. Malapit si Clint Brian kay Darryl kaya ganoon na lamang siya kaapektado sa kinasapitan nito. 

Justice for my brother: Napakasakit ng Araw na... - Clintbrian U Peck | Facebook

Inilarawan ni Clint Brian ang kaniyang Kuya Darryl bilang mabait na kapatid, anak, asawa, at kaibigan.

"Napaka bait ni Kuya as kapatid, as anak, asawa at magulang at kaibigan. Hindi dahil sa kapatid ko siya kaya nasabi kong mabait siya pero ito ang pinadama niya sa amin habang siya ay nabubuhay."

"At nasaksihan ko rin na napakarami ng nagmamahal sa kaniya dahil punumpuno ng kaibigan at kamag-anak ang St. Peter noong unang araw ng burol niya. Actually namili ako ng good for 400 pax na mga supplies na gagamitin para na sana pang buong burol na 'yon. Pero nagulat ako at nakakataba ng puso na 'yong unang gabi pa lang, naubos ang mga supplies, unang gabi pa lang ipinakita na nila kung gaano nila kamahal ang aming kapatid, sinamahan nila kami hangang maihatid namin si Kuya sa kaniyang huling hantungan."

Ipinakita ni Clint Brian sa iba pa niyang posts kung gaano karaming tao ang nagmamahal kay Darryl, sa pagdagsa nila sa unang araw ng lamay nito. 

1st Night... Daming nagmamahal sayo Kuya - Kathlyn Kimberly | Facebook

Naulila ni Darryl ang kaniyang misis at dalawang anak na babae na isang 14 at isang 8 anyos. 

"Mahal na mahal nila ang kanila Tatay, nung kinakausap ko nga sila sa funeral sabi nila wala ng kami aantayin pag gabi , inaantay kasi nila lagi ang Tatay nila hanggang makauwi galing trabaho, dahil si Kuya ay laging may pasalubong daw sa kanila."

"Napakasakit ng nangyari sa aming kapatid, nawalan ng anak ang aking mga magulang, nawalan kami ng kapatid, nawalan ng asawa ang sister-in-law ko at nawalan ng ama ang aking mga pamangkin dahil sa kagagawan ng driver ng jeep at ng truck na kumuha ng buhay ng aming kapatid."

"Ang dalangin namin ay makamit ni Kuya ang hustisya sa tragic death niya," giit pa ni Clint Brian. 

Sa mga may ideya kung sino ang tinutukoy na jeepney driver sa kuhang CCTV, video, at plate number, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ni Clint Brian Peck.

Inirerekomendang balita