Umani ng kritisismo ang matarik na wheelchair ramp na laan para sa mga persons with disability (PWD) sa EDSA-Philam station ng Busway Station sa Quezon City, na imbes daw na maging ligtas sa mga gagamit nito ay tila makapagpapahamak pa.
Isang naka-wheelchair pa nga ang sumubok na dumaan dito subalit sinabi niyang nahirapan siya, ayon sa video na ibinahagi sa GMA Integrated News.
Sa isang opisyal na pahayag ay nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patungkol dito.
"Ukol sa viral photo ng rampa sa EDSA-Philam station ng Busway station sa Quezon City, nais namin ipabatid na mayroong height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge," anila.
"Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan."
"Magtatalaga ang MMDA ng mga kawani para umasiste sa mga PWDs kung mahirapan sila pumanhik ng rampa.
Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran."
"Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station."
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Ok na yan kaysa wala...' reflects why the Philippines is still struggling in so many ways.... The purpose of a ramp is to give people with disabilities, specially those who are in wheelchairs, a sense of independence in going around public places. Is there even a set of guidelines somewhere that you needed to follow? This is embarrassing on a global scale..."
"Ginawa nyo na naman katawa-tawa ang ahensya nyo sa mata ng publiko. Saludo po sa inyo."
"May standards dapat. This is clearly sub-standard."
"sana kumunsulta sila sa mga grupo ng PWD kung ano yung mas makakatulong sa kanila sa pagcommute at sa daan tutal naman sila talaga nakakaranas ng hirap sa paglabas labas at byahe hindi ung basta lang makadesign, project at budget."
"Ang goal ay dapat magamit yan na mag-isa ng mga naka wheelchair, hindi yung kailangan pa ng assistance, lalagyan niyo pa ng tao na magagamit pa sana sa ibang paraan - nagsasayang kayo ng pera, oras at ng tao."