November 23, 2024

Home BALITA National

Isabela, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol; M4.0 naman sa Surigao del Sur

Isabela, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol; M4.0 naman sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/website

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Isabela habang magnitude 4.0 naman sa Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Hulyo 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Nangyari ang lindol sa Isabela dakong 7:19 ng umaga, kung saan namataan ang epicenter nito 27 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maconacon, Isabela. May lalim itong 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Peñablanca, Cagayan habang Intensity II sa Gonzaga, Cagayan.

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

Samantala, yumanig ang lindol sa Surigao del Sur dakong 8:12 ng umaga. Namataan naman ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao Del Sur, na may lalim na 24 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng dalawang lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing mga pagyanig.