January 04, 2026

Home BALITA National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16
(unsplash)

Pwedeng mapasakamay ng lotto bettors ang tumataginting na ₱150 milyong jackpot prize ng major lotto game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bobolahin ngayong Martes ng gabi, Hulyo 16.

Sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO, papalo sa ₱150 milyon ang premyo ng Super Lotto 6/49.

Bukod dito, pwede ring mapanalunan ang ₱49.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at ₱6.5 milyon ng Lotto 6/42. 

Lahat ng mga nabanggit na lotto games ay bobolahin mamayang 9 p.m..

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Ano pang hinihintay mo? Takbo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paborito mong numero. 

Sa halagang ₱20, may tsansa ka na maging milyonaryo!