November 23, 2024

Home BALITA National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB; Associated Press via MB)

Naglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng pinagsususpetsahang “assassination attempt” kay dating United States (US) Donald Trump.

Ayon sa ulat ng Associated Press, inihayag ng law enforcement officials na lumilitaw umanong target si Trump ng isang tangkang pagpatay habang nagsasalita siya sa isang rally sa Pennsylvania nitong Sabado, Hulyo 14.

Nagtamo umano ang dating US president ng pagdurugo sa tainga dahil sa sinabi niyang putok ng baril, at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Marcos sa isang X post na masaya siyang nasa maayos nang kalagayan si Trump.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

“It is with great relief that we receive the news that former President Donald Trump is fine and well after the attempt to assassinate him,” ani Marcos.

“Our thoughts and prayers are with him and his family,” dagdag niya.Iginiit din ng pangulo na dapat kondenahin ang lahat ng anyo ng “political violence.”

“Together with all democracy loving peoples around the world, we condemn all forms of political violence. The voice of the people must always remain supreme,” saad ni Marcos.

Kaugnay na Balita: Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump