November 23, 2024

Home BALITA National

Sen. Bato, baka hindi makadalo sa SONA ni PBBM: 'Masakit tuhod ko eh!'

Sen. Bato, baka hindi makadalo sa SONA ni PBBM: 'Masakit tuhod ko eh!'
Courtesy: Sen. Bato dela Rosa at Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ipinahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na may posibilidad na hindi siya makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil masakit daw ang tuhod niya.

Sa panayam ng “Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5” ng News5, tinanong ni Failon si Dela Rosa kung dadalo ito sa SONA sa Hulyo 22, 2024.

“Titingnan ko. Masakit ‘yung tuhod ko eh. Titingnan ko kung maka-attend ako,” anang senador saka tumawa.

Nang itanong naman ni Failon kung nagbibiro ba ito o seryoso, sinabi ni Dela Rosa: “Medyo seryoso kasi masakit ‘yung tuhod ko. Baka hindi ako makalakad-lakad doon sa loob. Titingnan ko lang din ha, titingnan ko. Kung hindi, baka hindi ako maka-attend.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, inusisa muli ni Failon kung wala raw bang itinatalagang “designated survivor” ang senador.

Tumawa naman si Dela Rosa saka sinabing: “Magtrabaho lang tayo rito. Magtrabaho lang tayo. ‘Yun lang gawin natin.”

Ang “Designated Survivor” ay isang Netflix thriller series na umere mula 2016 hanggang 2019. 

Kaugnay nito, matatandaang sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Huwebes, Hulyo 11, na itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang “designated survivor” nang ianunsyo niyang hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos.

"I will not attend the SONA... I am appointing myself as the designated survivor,” ani Duterte.

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM