November 28, 2024

Home BALITA National

PBBM, hinikayat mga Pinoy na maging tagapangasiwa ng kapaligiran

PBBM, hinikayat mga Pinoy na maging tagapangasiwa ng kapaligiran
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong protektahan ang kapaligiran sa pamamagitan ng matalinong pagkonsumo ng enerhiya.

Sinabi ito ni Marcos sa kaniyang talumpati nang pangunahan ang inagurasyon ng Mariveles-Hermosa-San Jose (MHSJ) 500 KiloVolt (kV) Transmission Line sa Hermosa, Bataan, nitong Biyernes, Hulyo 12, na inulat ng Manila Bulletin.

"I encourage everyone to embrace our shared responsibility of guaranteeing a dependable and adequate energy supply for all," ani Marcos.

"I trust [that] the public will strive to become stewards of our environment through conservation and smart consumption of energy," dagdag pa niya.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Kaugnay nito, isang proyekto raw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ₱20.94-billion Energy Project of National Significance (EPNS), kung saan kabilang dito ang 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers ng overhead lines, dalawang bagong substation, at substation capacity na may 2,000 megavolt-amperes (MVA).

Ayon sa Malacañang, kritikal ang proyekto sa pagbibigay ng bagong high-voltage link na may kakayahang magpadala ng 8,000 megawatts (MW) ng kuryente mula sa mga planta ng kuryente sa Bataan at Zambales.