Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa namamayagpag ngayong P-pop girl group na BINI.
Matatandaang inalmahan ng BINI at management nila ang panghihimasok ng ilang fans sa kanilang personal space at privacy matapos ang kanilang three-day solo concert.
MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit
MAKI-BALITA: BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy
MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI
Sa kaniyang Facebook live nitong Martes, Hulyo 9, sinabi ni Xian na dapat daw ay pinahahalagan ng BINI ang kabaliwan ng fans na halos natataranta kapag nakikita sila.
“Dapat nga naa-appreciate n’yo sila na baliw na baliw sila na kapag nakikita kayo natataranta sila, e. Mars, ang kasikatan magpe-peak lang ‘yan saglit,” pahayag ni Xian.
“Habang baliw na baliw ‘yong mga fans ninyo, sabayan n’yo ‘yong momentum. Ipakita n’yo na approachable kayo, iparamdam n’yo na welcome na welcome sila,” wika niya.
Dagdag pa niya: “Kung ayaw n’yo palang pineperwisyo kayo sa private time ninyo kasama ang inyong mga mahal sa buhay, huwag kayong pumunta sa lugar na maraming masa.”
Nauna nang naglabas ng open letter si Xian kaugnay sa bagay na ito sa pamamagitan ng isang social media post.
Pero tila hindi nagustuhan ng ilang fans ang kaniyang sinabi dahil kahit public figure pa raw ang mga miyembro ng BINI ay may karapatan pa rin silang magkaroon ng pribadong espasyo.
MAKI-BALITA: 'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms