Nagbigay ng pahayag ang BINI member na si Aiah Arceta kaugnay sa isyu ng personal space at privacy.
Matatandaang matapos ang kanilang three-day solo concert ay lumutang ang isang video clip kung saan matutunghayan ang biglang pagsunggab ng isang lalaki kay Aiah sa isang bar.
MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit
Sa latest Instagram story ni Aiah nitong Linggo, Hulyo 7, sinabi niya na bagama’t nasisiyahan umano siya na makipagkita at makipag-picture sa ibang tao, umaaasa rin siya na sana ay nakikita ng iba na sila ng mga kagrupo niya ay taon rin na kailangang respetuhin.
"Don't get me wrong, I like taking pictures with others, and I enjoy meeting people who are as passionate as we are in the world of music and entertainment,” saad ni Aiah.
“It also warms my heart to hear and see people slowly learning more about me and my group, Bini. But I just hope that people also see and respect us as human beings,” wika niya.
Dagdag pa niya: “We don't always get to go out lately because we have been busy with work, and the least we can ask for is for others to respect our personal time and our humanity."
Sa huli, nagpaalala si Aiah na piliin maging mabuti ang bawat salitang sasabihin at kilos na gagawin lalo na sa mundo ng social media.
“You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity," sabi pa niya.
Nauna nang makiusap ang Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi na irespeto ang personal space at privacy ng bawat BINI members.
MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI