Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa viral Facebook post ng nagngangalang "Ali Ojiram Gagarin" matapos niyang ibida at pahalagahan ang kaniyang lola.

Kuwento ni Ali, sobrang na-appreciate daw niya ang kanilang lola dahil kapag umaalis sila ng bahay at nagbo-book ng motorcycle taxi, ay talagang tina-track nito kung ligtas ba silang nakararating sa kanilang destinasyon.

Kahit daw hindi marunong sa paggamit ng application ay matiyagang isinusulat ng kanilang lola ang pangalan ng rider, plate number ng motorsiklo nito, at kung nakarating na ba sila sa destinasyon.

Bago raw umalis ang rider, magpapaalala rin ang lola na dahan-dahan lang sa pagmamaneho at mag-ingat sila.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

86-anyos na raw ang kanilang lola at nais daw nitong matutong gumamit ng cellphone para mas ma-track pa raw niya ang mga apo sa app.

Kaya naman panawagan ni Ali sa mga gaya niyang apo, pahalagahan at mahalin ang kanilang mga lola habang nariyan at kasama pa nila.

Narito ang buong Facebook post:

"Just wanted to take time and appreciate my Lola.

Everytime we go out and book for a transpo (angkas, moveit, grab), our lola always makes sure that we get to our destination. Everytime the driver arrives to pick us up from the house, she makes sure that she’s there to tell the driver “Manong dahan-dahan lang po ha, ingat po palagi at Godbless po sainyo."

Then she immediately goes inside the house, grabs a pen and paper, and asks for a cellphone to track the status of our ride. Since my lola does not know how to use a cellphone, she constantly asks to switch on the app so she may list down the name of the rider as well as the license plate and the destination that we go to. She would get mad if you don’t do it asap 😂 She then sits down and patiently waits up until we reach our destination. Sometimes you can see her falling asleep just by waiting for us to get there but she won’t mind as long as we get there and come back home safely. And to tell you, she’s already 86 yet she mentioned that she wanna practice on how to use a cellphone so that she will be the one to book us up someday.

These are the little things that shows how big of a love some of our grandparents have for us. That’s why to all the “Apo” or Grandchildren out here, let’s take time and appreciate what our lolo and lola does for us. Time is precious and they may not always be by our side so let us cherish each moment and make them feel the love that they deserve. Alagaan at mahalin nawa natin hangga’t kapiling pa natin sila.

We love you lola ❤️."

Batay sa comment section, napag-alamang ang nabanggit na lola ay si "Lola Pining."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 40k heart reactions, 14k shares, at 19 comments ang nabanggit na post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!