Ibinahagi ng Kapuso star na si Heart Evangelista ang isang malungkot na balita tungkol sa kanila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.

Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Mayo 12, sa pagdiriwang ng Mother's Day, ibinunyag ni Heart na muli silang nawalan ng ikaapat na angel na sana nila ni Chiz.

"A few days ago our baby boys heart stopped beating 🕊️ this will be our 4th angel … and although this could be one of my biggest heartbreaks … thank YOU for still for trying to be with me and for making me feel so much love already . Love and hope that this world could never give … i love you 'francisKo' i shall keep my heart intact while you find your way back to us .To all the mothers , fur moms, mothers to friends , thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle … Happy Mothers Day 🌈🙏🏻🫶🏼🤍🕊️"

"( FrancisKo , my Francis I love you anak 🤍)," aniya pa.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Kalakip nito ang isang larawang nagpapakita ng kaniyang sulat-kamay na note para sa kanilang anak. Aniya, naghahanda na raw siya ng mga bagay na tiyak daw na magugustuhan ng kanilang baby boy, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay huminto raw sa pagtibok ang puso nito.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kapwa celebrity at netizen para kay Heart.

May mga nagsasabing kailangang magpahinga at mag-heal muna ni Heart upang nang sa gayon ay makarecover ang kaniyang katawan at emosyon sa nangyari.

Matatandaang tatlong beses nang nakunan si Heart ngunit sa kabila nito, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa ni Sen. Chiz na darating ang panahong magkakaroon na rin sila ng sariling anak.