Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Abril 25, na ang easterlies at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang kasalukuyang nakaaapekto sa bansa.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio na inaasahang magdadala ang ITCZ ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas ng pag-ulan.

Samantala, inaasahan naman daw magdulot ng maalinsangang panahon ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa. May tsansa pa rin naman umano ng mga isolated o mga sandaling pag-ulan dito dahil na rin sa easterlies at localized thunderstorms.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).