Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment at pagsakay ng mga tripulanteng Pinoy sa mga passenger o cruise ship na maglalayag sa Red Sea at sa Gulf of Aden.

Nakasaad ito sa Department Order No. 02, series of 2024 na inilabas ng DMW nitong Miyerkules at nilagdaan naman ni DMW Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac.

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

Ayon sa DMW,  nag-ugat ang kautusan sa ginawang pag-amiyenda sa listahan ng mga “High-RiskAreas” at “War-like Zones” ng International TransportWorkers’ Federation at International Bargaining Forum, kung saan isinama na ang Red Sea at ang Gulf of Aden.

Nagkasundo na rin umano ang DMW at Philippine Maritime Industry Tripartite Council (MITC) na magpatupad ng mas istriktong protocol upang matiyak ang kaligtasan ng mga tripulanteng Pinoy na dumaraan sa mga naturang lugar.

Pahayag pa ng DMW, “Department Order No. 2(s. 2024) also comes from collective discussions during last month’s meeting with the DMW and the Philippine Maritime Industry Tripartite Council (MITC).  The DMW and MITC agreed to underscore the urgent need for stricter protocols to ensure the safety of Filipino seafarers navigating the Red Sea and the Gulf of Aden.”

Nabatid na nakasaad din sa ilalim ng naturang kautusan na ang mga licensed manning agencies ay kinakailangan nanglumagda ng affirmation letter na nagbibigay ng garantiya na ang lahat ng kanilang barko ay hindi dadaan sa Red Sea o sa Gulf of Aden.

Anang DMW, ang naturang commitment, kasama ang detalyadong itinerary ng barko ay dapat na isumite sa DMW, sa panahon ng documentation sa crew employment contracts o bago ang kanilang deployment.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 lamang, binihag ng mga rebeldeng Houthi ang MV Galaxy Leader ship na may lulang 17 Filipino seafarers sa Red Sea habang inatake rin nila ng missile ang MV True Confidence na may sakay ring 13 Pinoy, na ikinasawi ng dalawang tripulanteng Pinoy at isang Vietnamese.