Umabot na sa 19 mga sasakyan sa parking extension area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang nasunog nitong Lunes, Abril 22.

Makikita sa live video ng Facebook user na si Farrah Umpar nitong Lunes ng hapon ang ilang mga sasakyang tinupok ng apoy.

Base naman sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), "grass fire" ang pinaghihinalaang pinagmulan ng naturang sunog.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ang tunay na pinagmulan nito, at inaalam pa kung may nasaktan sa insidente.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Idineklara naman umano ng MIAA Rescue and Firefighting Division na “fire out” ang sunog dakong 1:57 ng hapon.

Ayon sa MIAA, hindi naman umano naapektuhan ng naturang sunog ang mga operasyon o kahit anong terminal ng NAIA.

**Ito ay isang developing story.