Umabot sa “danger” level ang heat index sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) sa Pasay City nitong Lunes, Abril 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, nasa 42°C ang heat index sa NAIA.
Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.
Matatandaang nito lamang Lunes ng hapon ay 19 mga sasakyan ang naitalang nasunog sa parking extension area ng NAIA Terminal 3, kung saan "grass fire" ang hinihinalang pinagmulan nito.
Samantala, bukod sa NAIA ay naitala rin ang “dangerous” heat index sa mga sumusunod na lugar nitong Lunes:
- Dagupan City, Pangasinan - 43°C
- Aparri, Cagayan - 43°C
- Central Luzon State University sa Science City of Munoz, Nueva Ecija - 43°C
- Baler (Radar), Aurora - 42°C
- Casiguran, Aurora - 42°C
- Sangley Point, Cavite - 43°C
- Ambulong, Tanauan, Batangas - 42°C
- Infanta, Quezon - 42°C
- Coron, Palawan - 43°C
- San Jose, Occidental Mindoro - 43°C
- Puerto Princesa City, Palawan - 46°C
- Aborlan, Palawan - 45°C
- Daet, Camarines Norte - 42°C
- Virac, Catanduanes - 45°C
- Masbate City, Masbate - 43°C
- Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur - 44°C
- Roxas City, Capiz - 43°C
- Iloilo City, Iloilo - 44°C
- Dumangas, Iloilo - 42°C
- Catbalogan Samar - 42°C
- Dipolog, Zamboanga del Norte - 44°C
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 45°C
- Davao City, Davao del Sur - 42°C
- Cotabato City, Maguindanao - 42°C
- Butuan City, Agusan del Norte - 42°C