Patuloy pa ring makararanas ang bansa ng mainit na panahon ngayong Biyernes, Abril 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio na wala silang namamataang alinmang kaulapan na maaaring magdala ng malawakang pag-ulan.

Wala rin daw binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Samantala, ani Aurelio, may tsansa pa ring makaranas ng mga sandaling pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa, lalo na sa mga bandang Visayas at Mindanao.

National

Rep. Abante kung susuportahan 'impeachment' vs VP Sara: 'No comment muna'