Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga estudyanteng tinatamad nang pumasok sa paaralan nitong Linggo, Abril 14. 

May nagtanong kasi kay Xian sa pamamagitan ng isang private message na ang screenshot ng kanilang convo ay ibinahagi niya sa kaniyang Facebook profile.

“PARA SA MGA TINATAMAD MAG-ARAL,” saad niya sa caption ng post.

Tinanong ng estudyante kay Xian kung normal lang daw bang mawalan ng drive sa pag-aaral at naisin na lamang na magtrabaho para makapag-ipon nang mas maaga.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Pero ayon sa social media personality: “Kahit magtrabaho ka, wala kang mase-save. Tingnan mo lahat ng working adults, 5, 10, 15, 30 years nang nagtatrabaho pero mahirap pa rin hanggang ngayon.”

“Parents mo, higit 20 years na sa abroad pero hindi pa rin kayo hayahay sa buhay kaya nga pinauwi ka ng Pilipinas para mag-aral kasi mura. If you feel like you’re wasting time with your studies wait till you have a regular job,” aniya.

“Mas mararamdaman mo na nagsasayang ka lang ng oras. Walang buhay sa pagtatrabaho. Life is outside work na pwede mo ring gawin habang nag-aaral ka. Live life while studying. Mag-sideline business habang nag-aaral kung gusto mong kumita ng pera,” dugtong pa ni Xian.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 19k reactions at 3.2k sharers ang naturang post.