Hindi umubra ang pagiging defending champion ni Japanese fighter Yudai Shigeoka matapos dalawang beses patumbahin ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem sa kanilang laban sa International Conference Hall sa Nagoya, Japan nitong Linggo.

Dahil dito, naiuwi ng 28-anyos na Pinoy ang World Boxing Council (WBC) minimumweight title.

Unang pinatumba ni Jerusalem si Shigeoka sa third round at ang ikalawa ay sa sixth round kaya't nakuha nito ang desisyon ng dalawang hurado nang matapos ang 12 rounds.

Parehong 114-112 ang iskor ni Jerusalem mula sa dalawang hurado na sina Jae Bong Kim at Barry Lindenman habang nakakuha lamang si Shigeoka ng 114-113 mula huradong si Malcolm Bulner.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Hawak na si Jerusalem ang record na 22-3, kabilang ang 12 knockout habag nalasap naman ni Shigeoka ang unang pagkatalo sa siyam na laban.

Reynald I. Magallon