Nais ng isang kongresista na tukuyin at panagutin ang mga opisyal na nag-recruit ng 36 Chinese bilang miyembro Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Sa pahayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, tila pinoprotektahan ng mga nasabing opisyal ang kapakanan ng China.

Sa pagdinig ng Kamara kamakailan, aminado si PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nagsilbi ang mga nasabing Chinese sa organisasyon, gayunman natapos na ang kontrata ng mga ito.

Ang mga ranggo aniya ng 36 Chinese ay brigadier general at commandant, anang mambabatas.

“Noong panahon ng Hapon sa Pilipinas, meron tayong mga Makapili. Ngayon, meron na rin umano tayong mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Panahon na para imbestigahan at kilalanin ang umano’y mga walang konsensya at taksil sa bayan na mga ito," anang kongresista.

PNA