Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nangyaring pag-atake ng mga terorista sa Crocus Hall sa Moscow, Russia Marso 22 ng gab na ikinasawi ng mahigit 100 katao.

"I am profoundly saddened by the innocent lives lost in the horrific ISIS attack at the concert hall in Moscow," bahagi ng X post ng Pangulo.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

"My deepest condolences to the families affected by this senseless act of terrorism. We stand united in condemning terrorism in all its forms," aniya.

Naiulat na bigla na lamang sumugod ang grupo ng kalalakihang naka-camouflage, pinagbabaril ang concert hall at pinasabugan pa ng mga granada nitong Biyernes ng gabi.

Nauna nang inako ng ISIS ang pag-atake, gayunman walang mailabas na ebidensyang susuporta sa kanilang pahayag.

May dagdag na ulat ni Argyll Geducos