"I'm really a practicing doctor before I became a politician. Naging adbokasiya ko po before ako naging politiko or public servant to serve the community through free service. Ako pa ay isang Ears, Nose, Throat (ENT), head and neck surgeon specialist. So mayroon akong gamit dyan. I can capably check you up," anang mambabatas sa pulong balitaan sa nitong Miyerkules.
Aminado rin si Miguel na nagbibigay din siya ng libreng serbisyo sa mga kasamahang kongresista. Gayunman hindi na niya pinangalanan ang mga ito dahil na rin sa doctor-patient confidentiality.
Matatandaang umani ng batikos si Senator Robinhood Padilla at asawang aktres na si Mariel matapos sumailalim ang huli sa intravenous glutathione (IV gluta) drip session sa loob ng opisina ng senador.
Humingi na ng paumanhin si Padilla matapos ang insidente.
Ellson Quismorio