Patay ang isang lola nang makulong sa loob ng kanilang nasusunog na tahanan sa Taytay, Rizal nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Taytay Municipal Police Station ang biktima na si Catalina Navarro Edrial, 75, isang retired employee, at residente ng Lira St., Meralco Village, Brgy. San Juan, Taytay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:56 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa library/stockroom ng tahanan ng mga Edrial na matatagpuan sa naturang lugar.

Hindi naman na umano nagawa pa ng biktima na makalabas ng bahay kaya’t sinawimpalad na bawian ng buhay.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa clearing operations na lamang narekober ng mga tauhan ng Taytay Bureau of Fire Protection (BFP) ang bangkay ng biktima.

Dakong alas-6:17 ng gabi nang maideklarang under control ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-6:33 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P2.7 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.