Anong gagawin mo kung sakaling makapulot ka ng ₱1,000 habang ikaw ay nasa pampublikong sasakyan?

Umani ng reaksiyon at komento ang TikTok video ng isang nagngangalang "Mico Alejo" matapos niyang ibahagi ang pagkakapulot niya sa isang ₱1,000 bill habang nasa loob ng isang pedicab jeep sa Baclaran noong Enero.

Nakita niya ang pera sa ilalim ng upuan. Hinintay pa raw niyang makaalis ang iba pang mga pasahero at kahit lagpas na siya, hindi siya bumaba para lang mapag-isipang kunin ang libong piso.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Dahil dito, umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento. May mga nagsabing "forda content" lamang ito at sarili niyang pera talaga ang inihulog sa lapag ng jeep. May mga nagsasabi namang kung talagang totoo ito, sana raw ay isinurender niya ang pera sa driver, na mas nangangailangan daw.

"he drop he's own money for views mission accomplished successful 👏👏"

"jive the money who they need or give it back to the owner"

"The chosen one. Nice one!"

"wow 1k"

"for the content"

"What if social experiment lang 'yan haha."

Pumalo sa 13.2M views ang nabanggit na view.

Sa isa pang TikTok video, ipinakita ni Mico kung ano ang ginawa niya sa napulot na ₱1k. Minabuti niyang magtungo sa isang sikat na fast-food chain at bumili ng meals na aabot dito.

Noong una nga raw, inisip niya kung anong gagawin niya sa pera. Inisip niyang baka i-donate na lang niya ito sa simbahan. Pero sa huli, naisipan na lamang niyang mamahagi ng pagkain sa mga taong nakatira sa kalsada.

Maya-maya, isa-isang ibinigay ni Mico ang mga biniling pagkain sa ilang street dwellers.

Sey ng mga netizen, "forda content" o totoo man daw ang pagkakapulot sa pera, ang maganda naman daw ay nakatulong siya sa kapwa.

"I would’ve given it to the driver considering how low their income is at sa kaniya naman yung vehicle. Great idea rin yung para sa homeless people 💯."

"good job brother"

"Very kind. You are a blessing in this society."

"Yung 1k nakatulong pa sa mga nakatira sa kalsada..."

"Regardless kung scripted o hindi, maganda naman ang pinatunguhan ng pera. Good job na rin!"

Umani na ito ng 199.6k views sa nabanggit na social media platform.