Narinig mo na ba ang matandang kasabihang "Pera na, naging bato pa?"

Ganiyan ang nangyari sa kasambahay na si "Teresita Garcia" na first-time tumaya sa pinag-uusapang lotto, pero presto, nakopo niya ang winning number combinations na agad na nagpabago sa takbo ng buhay niya.

Mula sa pagiging kasambahay, agad siyang naging instant milyonaryo at mukhang mas nahigitan pa niya ang yaman ng kaniyang amo.

Ang instant money na nagpabago sa buhay niya, hindi niya akalaing parang tubig lang palang aagos sa mga palad niya.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Anong nangyari sa premyong nakubra niya?

Kuwento ni Teresita sa "I-Juander" ng GTV, sister channel ng GMA Network, noong Oktubre 2023, tatlong dekada na pala siyang nangangamuhan. Hindi raw niya hilig ang pagtaya-taya sa lotto. Pero ang nagkumbinsi raw sa kaniyang tumaya ay mismong amo niya. Disyembre 5, 2005 ang petsa ng unang pagtaya niya sa lotto. Sampung piso lang daw ang presyo ng lotto ticket noon, pero ang kapalit naman pala nito ay tumataginting na ₱4.5 milyon!

Makalipas ang limang araw, nalaman nilang naipanalo niya ang lotto result. Nagbunyi raw ang buong pamilya dahil sa wakas, may pambayad na sila ng kuryente. Napuno raw ng kung sino-sinong mga tao ang kanilang bahay para marahil humingi ng balato at makisaya sa kanila.

Ano nga naman ba ang gagawin mo sa milyones na hawak mo?

Sinamantala ni Teresita ang pagkakataon para maipagawa ang kanilang maliit na bagay, at bumili pa sila ng jeepney para pampasahero sa araw-araw, maliban pa sa iba pang sasakyan na agad nilang nabili.

₱500k daw ang nagastos niya sa tatlong araw na pamimigay ng balato.

Bukod doon, nag-travel din sila ng kaniyang mister sa loob at labas ng bansa.

Hindi raw namalayan ni Teresita na paunti-unti ay nauubos na ang kanilang milyones.

Nakalimutan daw niyang gawin? Palaguin ito.

Isa pa, nagkasakit daw ang kaniyang mister kaya dito rin napunta sa pagpapagamot ang pera.

Nang nasaid na ang premyo, ibinenta ni Teresita ang mga sasakyang napundar na nila.

Sa kasalukuyan, balik sa "normal" na pamumuhay si Teresita at nagtitinda raw ng bagoong.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin si Teresita na naranasan nila minsan sa buhay nila ang napakasuwerteng araw na iyon, na hindi niya akalaing darating sa kaniya.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring tumataya si Teresita sa lotto, nagbabaka-sakaling makatisod ulit ng suwerte.

Pero sa pagkakataong ito, alam na raw niya ang gagawin sa perang ipagkakaloob sa kaniya ng langit sa pamamagitan ng lotto.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!