Isang Peregrine Falcon, na itinuturing bilang pinakamabilis na ibon sa buong mundo, ang namataang malayang nakalilipad sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Masungi na nakuhanan nila ng larawan ang Peregrine Falcon (𝐹𝑎𝑙𝑐𝑜 𝑝𝑒𝑟𝑒𝑔𝑟𝑖𝑛𝑢𝑠) habang pumapaitaas ito sa ibabaw ng kanilang limestone spine.

“As apex predators, these raptors gracefully navigate the skies, showcasing their prowess in aerobatics,” anang Masungi sa kanilang post.

“Catching a glimpse of these migratory birds at Masungi is a treat, as they embark on journeys spanning thousands of miles, reaching staggering speeds of up to 390km/h during their daring dives,” dagdag nito.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Ang Masungi ay isa raw mahalagang stopover para sa iba’t ibang migratory birds, kabilang na ang naturang Peregrine Falcon.

Dahil dito, nanawagan ang organisasyon sa publiko na makiisang protektahan ang nasabing “avian sanctuary.”